Ang Diyos ng Muling Pagkabuhay

Ang Diyos ng Muling Pagkabuhay

Lucas 20:27-40

Matapos patahimikin ang mga punong saserdote at mga eskriba ng Panginoong Hesus, ngayon ay ang mga saduseo naman. Nang kanilang subukang bitagin ang Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagtatanong na sa muling pagkabuhay sinong kikilalaning asawa ng isang babaeng may pitong napangasawa (levirate marriage). Sinamantala ng Panginoong Hesus ang pagkakataong iyon upang turuan at patahimikin sila sa pagsasabing ang panahon ngayon ay hindi magiging katulad ng sa muling pagkabuhay, dahil ang mga anak na muling binuhay ay magiging tulad ng mga anghel na hindi nag-aasawa o ipinapakasal.