Lucas 23:1-7
Habang nagpapatuloy ang araw, lalong tumitindi ang pinagdaraanan ni Hesus. Dahil walang awtoridad ang mga Punong Pari at Pariseo na gawin ang anumang gusto nila kay Hesus, kanilang iniharap Siya kay Pilato, ang Romanong gobernador ng Judea na may kapangyarihang humatol ng Kamatayan laban sa mga Kriminal. Wala silang kamalay-malay na dinala nila ang Mesiyas sa isang taong magpapahayag ng katotohanan na kanilang tinatakpan at itinatanggi: Si Hesu-Kristo ay inosente at walang ginawang mali.