1 Corinto 12:12-26
Si apostol Pablo, sa talatang ito, ay inilalahad ang pagiging-isa at pagkakaisa ng iglesya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo sa kabila ng maraming miyembro nito. Tinukoy din niya na ang mga bahagi ng katawan na inaakalang hindi gaanong kapuri-puri sa iglesiya ay binigyan ng higit na karangalan ng Diyos upang hindi magdulot ng anumang pagkakabaha-bahagi. Ang mga miyembro ay nararapat na mamuhay nang maayos, na may pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa.