Paghihimagsik, Pagpatay at Paghihiganti: Ang Talinhaga ng mga Taksil na Magsasaka

Paghihimagsik, Pagpatay at Paghihiganti: Ang Talinhaga ng mga Taksil na Magsasaka

Lucas 20:9-18

Hinatulan ni Hesus ang mga pinunong hudyo sa pamamagitan ng isang talinhaga na pamilyar sa kanila mula sa Lumang Tipan. Sa salaysay ay iniugnay ng Panginoong Hesus ang Kanyang sarili bilang anak ni Yahweh. Inihayag din Niya ang Kanyang sarili bilang Punong Batong-panulukan ng iglesiya ng Bagong Tipan.