Mga Payo ni Apostol Pablo sa Simbahan ng Corinto
Mga Payo ni Apostol Pablo sa Simbahan ng Corinto
Scripture: 2 Corinto 13:5-10
Hinihimok ni apostol Pablo ang mga kristiyano sa Corinto na suriin ang sarili kung nasa tamang pananampalataya pa sila at subukin din kung si Kristo ay tunay na nasa kanila, dahil ang hindi pinagsisisihan na kasalanan ay tanda ng isang maling pananampalataya. Sinabi ni Pablo na isinusulat niya ito upang maiwasan ang mabagsik na disiplina kapag siya ay bumisita, yamang ang kanyang apostolikong awtoridad ay dapat sa layunin para sa pagpapatatag ng simbahan, at hindi sa pagbagsak nito.


