Luwalhatiin Ang Diyos sa Lahat ng Gagawin

Luwalhatiin Ang Diyos sa Lahat ng Gagawin

1 Corinto 10:23-11:1

“Gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos”. Ito ang ipinag-utos ni apostol Pablo ukol sa paggamit ng kalayaan ng mga mananampalataya. Ito ay kanilang magagawa sa pamamagitan ng pagiging responsable sa paggamit ng kanilang kalayaan. Na palaging isinasaalang-alang ang kapakanan ng ibang mananampalataya at hindi iginigiit ang sariling karapatan upang hindi matisod ang iba sa pagkakasala.