Lucas 20:45-47
Dahil kay Hesus nailalagay sa alanganin ang awtoridad ng mga Eskriba. Kung kaya’t kanilang ninanais na pigilan si Hesus sa Kanyang pagtuturo at tuluyan Siyang mawala sa mata ng publiko. Ang mga Eskribang ito ay ang mga inaasahang namumuhay ng matuwid at banal dahil sila ang tinaguriang eksperto sa Salita ng Diyos. Ngunit si Jesus, na ang mga mata at kaalaman sa lahat ay nakikita nang higit pa sa nakikita ng pangkaraniwang tao, alam kung ano ang nasa kanilang mga puso, at nakita Niya ang motibasyon ng kanilang mga aksyon. Sa halip na kabanalan at integridad, sila ay puno ng pagkukunwari at pagiging makasarili. Kung kaya’t binabalaan Niya ang Kanyang mga disipulo tungkol sa kanila.