Hesus, Ang Ating Pinakadakilang Pag-asa

Hesus, Ang Ating Pinakadakilang Pag-asa

Lucas 24:13-27

Pagkatapos ng kamatayan at paglilibing ng Panginoong Hesus, dalawa sa mga tagasunod Niya ang nagtungo sa Emaus. Nalungkot sila at nawalan ng pag-asa dahil inakala nilang patay na ang kanilang Mesiyas, ngunit ang saganang biyaya ni Kristo ay naihayag nang Siya ay nagpakita sa dalawang tagasunod na ito at nagsimulang ipaliwanag sa kanila ang mga bagay tungkol sa Kanya sa buong Kasulatan.