2 Corinto 5:6-10
Patuloy ang lakas ng loob ni apostol Pablo sa ministeryo gaano man karaming hamon at kahit na maharap sa kamatayan dahil sa pag-asa na makasama ang Panginoon at makamtan ang maluwalhating kalagayan. Kaya naman minimithi niyang bigyang kasiyahan ang Panginoon dito man sa lupa o sa pagharap sa Kanyang hukuman.