Ang Tunay na Lingkod na Katanggap-tanggap sa Panginoon

October 5, 2025

Language: Tagalog

Scripture: 2 Corinto 10:12-18

Sa patuloy na pagdepensa ni Apostol Pablo sa kanyang ministeryo at sa ebanghelyo, kanyang inihayag ang kahinaan ng mga kumakalaban sa kanya. Kasabay nito, ipinakita rin niya ang mga prinsipyo ng pagiging tunay na katanggap-tanggap na lingkod ng Diyos: hindi ang sarili ang pamantayan, hindi nilalampasan ang itinakdang sukatan ng Diyos, at ang papuri ng Diyos ang siyang pinakananais higit sa lahat.