Ang Pagsubok at Pagpapanumbalik ni Pedro

Ang Pagsubok at Pagpapanumbalik ni Pedro

Lucas 22:54-62

Habang si Hesus ay dinadala sa bahay ng pinakapunong pari matapos Siyang dakpin, si Pedro naman ay sumunod sa Kanya ngunit nanatili sa malayo upang maiwasang makilala na siya’y kasama ng Panginoon. Gayunpaman, nakilala parin si Pedro ng tatlong magkakahiwalay na tao bilang isa sa mga alagad ni Hesus at Siya’y kanyang itinanggi sa bawat pagkakataon. At sa pagtilaok ng manok, lumingon si Hesus at tumingin kay Pedro, at naalaala niya ang sinabi ng Panginoon; pagkatapos ay lumabas siya at umiyak nang buong pait.