Ang Pagkilala sa Mesiyas

Ang Pagkilala sa Mesiyas

Lucas 24:28-35

Habang lumalapit ang gabi, hinimok ni Cleopas at ng kaniyang kasama si Hesus (na hindi parin nila namumukhaan) na manatili sa kanilang lugar; sa kanilang pananaw, ito ay pangkaraniwang bagay lamang; ito ay simpleng pagbibigay ng mabuting pakikitungo sa isang estranghero na kanilang nakasama at nagturo sa kanila. Ang hindi nila namamalayan ay ang kanilang kabaitan at pagkamausisa ay magdadala sa kanila sa isang katotohanan na magpapasiklab sa kanilang mga puso at magbibigay sa kanila ng lubos na kasiyahan.