Ang Mga Nag-iisa Ay Para Kay Cristo

Ang Mga Nag-iisa Ay Para Kay Cristo

1 Corinto 7:25-40

Anumang kalagayan sa buhay ayon sa pagkakatawag ng Diyos ay para Kay Cristo. Maging ito man ay sa pag-iisa o pananatiling walang asawa. Ayon Kay apostol Pablo, may mga kabutihang kaugnay sa buhay kristiyano at paglilingkod para sa mga tinawag sa pananatiling nag-iisa. At lahat ng ito ay patungo sa pagluwalhati kay Cristo.