Ang Katiyakan ng Walang Kasiguruhan
Ang Katiyakan ng Walang Kasiguruhan
Scripture: Mangangaral 9:11-18
Ang malalim at malawak na karanasan ni Solomon ang nagtulak sa kanya upang mapagtanto na walang anumang tiyak sa ating buhay. Ang malalakas, ang mabibilis, at ang matatalino ay hindi makatitiyak sa mangyayari sa hinaharap gaano man kaganda o kasigurado ang kalagayan sa kasalukuyan. Hinahamon ni Solomon ang ating pagtingin sa buhay, na sa ilalim ng araw, walang bagay na maaari nating lubos na asahan o sandigan.


