1 Corinto 15:35-41
Ang ika-15 kabanata ng 1 Corinto ay naglalaman ng pinakamahabang talata tungkol sa ating muling nabuhay na katawan. Mula sa talata 35, tinatalakay nito kung ano ang magiging uri at katangian ng katawan sa muling pagkabuhay. Magiging katulad ba ito ng ating katawan ngayon? Magkakapareho ba ng itsura ang lahat? Magagawa pa ba natin ang mga bagay na ginagawa natin ngayon? Ang layunin ng pagtutok sa talatang ito ay upang matulungan tayo na “ituon ang ating mga isip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa” (Colosas 3:2), at magbigay sa atin ng pag-asa sa hinaharap.