Ang Kahabagan sa Kaharian ng Diyos at Ang Kalupitan at Pagkukunwari ng Huwad na Relihiyon

Ang Kahabagan sa Kaharian ng Diyos at Ang Kalupitan at Pagkukunwari ng Huwad na Relihiyon

Lucas 13:10-17

Sa pagpapatuloy ng Haring Tagapagligtas sa Kanyang ministeryo, patuloy Niyang ipapakita Ang Kanyang habag sa pamamagitan ng pagpapagaling sa isang babaeng gapos ng karamdaman sa loob ng mahabang panahon, at ito’y ginawa Niya sa araw ng Sabbath sa isang sinagoga.Gayun din Naman, gagamitin Niya Ang pagkakataong ito upang isiwalat at ituwid Ang kalupitan at pagkukunwari ng huwad na relihiyon.