Ang Ikalawang Pagparito ng Anak ng Tao

Ang Ikalawang Pagparito ng Anak ng Tao

Lucas 21:25-28

Sinabi ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipulo kung ano ang aasahan sa Kanyang pagbabalik – ang mga kaguluhan sa daigdig na magdudulot ng mga sakuna sa lupa ay mauuna sa Kanyang maluwalhating paagdating. Ito ay magdudulot ng pagkasindak at kalituhan sa mga bansa, at ang mga tao ay hihimatayin dahil sa takot at pagkabalisa. Ngunit ang mga tumatawag sa Panginoon ay maliligtas dahil ang kanilang katubusan ay malapit na.