Ang Makapangyarihang Pagdating ng Espiritu Santo
Ang Makapangyarihang Pagdating ng Espiritu Santo
Scripture: Mga Gawa 2:1-13
Isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng iglesia ang isinalaysay ni Lucas—ang pagdating ng Espiritu Santo. Ang kaganapang ito ay makapangyarihan, kagila-gilalas, hindi pangkaraniwan, at kamangha-mangha. Higit sa lahat, ito ay mahalaga sapagkat pinatunayan nito ang pagtatatag ng iglesia at binigyan ito ng kapangyarihang tuparin ang misyong ipinagkatiwala ng Panginoong Hesu-Cristo.


