Kasama sa Kahinaan, Kasama sa Kapangyarihan
Kasama sa Kahinaan, Kasama sa Kapangyarihan
Scripture: 2 Corinto 13:1-4
Binalaan ni Pablo ang iglesya sa Corinto na ang kaniyang ikatlong pagbisita ay hindi na katulad ng dati kung saan ipinakita niya ang matagal na pagtitiis at pagpapasensya. Sa pagbisitang ito mahahayag ang kapangyarihan at awtoridad ni Cristo, ang pinakamataas na awtoridad sa buhay at ministeryo ni Pablo.


