Tunay na Pag-ibig para sa Tunay na Mensahe
Tunay na Pag-ibig para sa Tunay na Mensahe
Scripture: 2 Corinto 11:7-15
Tumanggi si Pablo na tumanggap ng anumang salaping kaloob mula sa iglesya sa Corinto at siya ay binatikos dahil dito. Ngunit malinaw ang layunin ng apostol, ayaw niyang maging hadlang ang anumang bagay sa mensahe ng ebanghelyo na kanyang ipinangangaral sa kanila. Binalaan din niya ang mga taga-Corinto laban sa mga huwad na guro na unti-unting pumapasok sa kanilang lokal na pamayanan.