1 Corinto 15:29-34
Sa pagpapatuloy ni apostol Pablo sa paksa ng muling pagkabuhay, ipapakita naman niya na ito ang dahilan sa uri ng pamumuhay ng mga mananampalataya. Ang pag-asa sa kaligtasan, ang pagtitiis sa mga kahirapan at pag-iwas sa kasamaan ay dahil lahat sa tinatanaw na muling pagkabuhay. Walang halaga ang lahat ng ito kung walang muling pagkabuhay.