Nabubuhay na May Isang Paa sa Langit, (o Impiyerno?)

Nabubuhay na May Isang Paa sa Langit, (o Impiyerno?)

Lucas 16:19-31

Ang talinhaga ng mayamang lalaki at si Lazaro ay isang pamilyar na talata. Isa ito sa mga pinaka-tiyak na talata na nagsasaad kung paano magwawakas ang buhay ng isang tao. Karamihan sa mga detalye ay patungkol sa nangyari sa mayamang lalaki (interesanteng hindi man lang pinangalanan sa talinhaga). Ngunit kahit na ang mayamang lalaki ang nakakuha ng halos lahat ng atensyon sa talatang ito, ito ay isang kuwento na may napakalaking implikasyon para sa atin bilang mga mananampalataya.