Kinondenang Kasamaan, Tinugon ng Lalong Kasamaan

Kinondenang Kasamaan, Tinugon ng Lalong Kasamaan

Lucas 11:45-54

Ang makatatlong ulit na pagkondena ng Panginoong Jesus sa mga Eskriba ay sapat nang dahilan upang maunawaan nila, na hindi sila nakapag-aalay ng tunay na pagsamba sa Diyos, at sa halip ay nakakapinsala sa kapwa, dahil sa namamayaning pagmamapuri, pagpapaimbabaw, at pagtakwil kay Jesu-Cristo at sa katuruan nito sa kanilang buhay.