Karunungang Nagwawakas, Karunungang Nagliligtas

Karunungang Nagwawakas, Karunungang Nagliligtas

1 Corinto 2:6-10a

Pagkatapos punahin ang “makasanlibutang karunungan” nilinaw ni apostol Pablo na may ibang uri ng karunungan na ipinahayag sa pamamagitan ni Kristo. Ang karunungan na ito ay isang “hiwaga”, isang lihim na dati ay nakatago ngunit ipinaalam sa atin sa panahong ito. Ang karunungan na ito ang nagliligtas sa atin at nahayag sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.