Huwag Ang Kalooban Ko Ang Mangyari Kundi Ang sa Iyo

Huwag Ang Kalooban Ko Ang Mangyari Kundi Ang sa Iyo

Lucas 22:39-46

Bago dakpin at ipako sa krus ang Panginoon, ay mararanasan Niya ang napakatindi at napakabigat na sitwasyon sa Bundok ng Olibo. Tuturuan Niya at ipapakita Niya sa Kanyang mga alagad kung paanong manatili sa kalooban ng Diyos kahit dumaan sa gitna ng kahirapan. Ito ay gagawin Niya sa pamamagitan ng napakahalagang disiplinang espritwal- Ang pananalangin.