2 Corinto 4:1-6
Ang biyaya na mapabilang sa ministeryo ng bagong tipan ay lubhang napakadakila kaya’t gaano man kadami ang mga hamon at maging paghihirap na nararanasan ni apostol Pablo ay hindi siya pinanghihinaan ng loob. Patuloy lang siya sa matapat na pagpapahayag Kay Cristo na tanging daan upang magkaroon ng liwanag ang mga nasa kadiliman ng kasalanan.