Ang Kaharian ng Diyos ay Narito na Ngunit Hindi pa Ganap

Ang Kaharian ng Diyos ay Narito na Ngunit Hindi pa Ganap

Lucas 17:20-25

Ang kawalan ng pananampalataya ng mga Pariseo ang humadlang sa kanila upang makita na ang kaharian ng Diyos ay nasa kanilang kalagitnaan. Binalaan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na huwag maniwala sa mga huwad na tagapagturo na nagsasabing alam nila ang pagbabalik ng Anak ng Tao sapagkat hindi Siya darating sa mga paraan na makikita ng tao. At sinabi sa kanila ni Jesus na bago dumating ang araw ng Anak ng Tao, kailangan muna Siyang magdanas ng maraming hirap at itakwil ng salinlahing ito.