2 Corinto 9:10-15
Sa bahaging ito, humingi si apostol Pablo ng handog upang matulungan ang mga banal sa Jerusalem. Sa paggawa nito, ipinahayag niya ang epekto ng pagbibigay sa pisikal at espirituwal na aspeto; pisikal na pagtulong sa mga mahihirap sa Jerusalem, at espirituwal na pagpapakita ng biyaya ng Diyos at pagbibigay ng kaluwalhatian sa Kanya. Dahil dito, pinaalala ni Pablo sa lahat ang hindi masukat at pinakadakilang kaloob para sa mga mananampalataya: si Hesus.