Hesus, ang Muling Nabuhay na Panginoon at Cristo

Hesus, ang Muling Nabuhay na Panginoon at Cristo

RESURRECTION SUNDAY: Mga Gawa 2:22-36

Sa araw ng Pentecostes, ang Ebanghelyo ng Panginoong Hesus ay ipinangaral ni Pedro sa kauna-unahang pagkakataon. Ipinahayag niya ang pagiging tao ni Hesus, ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, at kung paanong ang mga propesiya sa Kasulatan ay tumutukoy sa Kanya bilang ang ipinangakong Mesiyas. Sa huli, ipinahayag at ipinangaral ni Pedro kung paano si Hesus ay itinalaga ng Diyos bilang Panginoon at Cristo.