Magkakaibang Bahagi, Iisang Katawan

Magkakaibang Bahagi, Iisang Katawan

1 Corinto 12:27-31

Sa pagsasara ng kabanata 12, muling idiniin ni apostol Pablo ang katotohanang may iba’t-ibang kaloob ang Espiritu Santo sa bawat mananampalataya. At ang mga ito ay may kanya-kanyang bahagi sa iisang katawan ni Cristo -ang iglesya. At ang bawat bahagi ay nararapat gumawa ng may kaayusan at kaisahan.