Itaas si Cristo Hindi Ang Tao (Ang Daan Sa Tunay Na Pagkakaisa)

Itaas si Cristo Hindi Ang Tao (Ang Daan Sa Tunay Na Pagkakaisa)

1 Corinto 4:6-13

Pagmamataas at pagmamayabang, mga bagay na nakakasira ng pagkakaisa at maayos na samahan ng mga mananampalataya sa Corinto. Kaya naman sinaway sila ni Apostol Pablo. At ito’y sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila nang katotohanan na walang maipagmamalaki ang sinuman at walang karapatang magmalaki ang sinuman sa harapan Ng Diyos at kapwa mananampalataya.